Tatlong bayan sa lalawigan ng Laguna, itinaas ang alerto matapos ang engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at mga sundalo

Manila, Philippines – Itinaas ng mga pulis ang alerto sa tatlong bayan sa lalawigan ng Laguna, matapos maganapang engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at mga sundalo kahapon.

Umabot na sa kabuuang 12 ang sugatan sa insidente, habang isang sundalo naman ang nakumpirmang patay.
Ayon sa hepe ng Luisiana police na si Senior Insp. Romeo Manga, nanatiling mataas ang tensyon sa mga bayan ng Luisiana, Cavinti at Majayjay, pati na sa Lucban, Quezon matapos tambangan ng mga rebelde ang dalawang sasakyan ng militar noong Miyerkules.
Kinilala ang nasawi na si private first class Gregorio Maico matapos ang pitong oras na bakbakang nagsimula noong tanghali pa ng Miyerkules sa border ng Laguna at Quezon.
Samantala, hindi naman na nagbigay ng detalye ang mga otoridad kaugnay ng pagkakakilanlan ng dalawang sibilyang nasaktan at nadamay sa bakbakan.
DZXL558

Facebook Comments