Tatlong Behikulo, Binasbasan ng 7th Infantry Division!

Fort Magsaysay, Nueva Ecija- Binasbasan ng 7th (Kaugnay) Infantry Division ang kanilang tatlong ibinahaging behikulo sa isinagawang Flag Raising Ceremony SA Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan sa 7th ID, ito ay parte ng kanilang Transformation Roadmap 2028 upang mas lalong mapabuti ang kanilang mobility requirements sa ilalim ng 7th ID Unit.

Pinagunahan naman ang pagbabasbas sa tatlong behikulo ni Major Alexander Dawa, ang Division Chaplain maging ang ilang opisyal at personnel ng Kaugnay Division.


Ang tatlong behikulo ay tatanggapin ng Post Engineering Detachment (PED), 7 th Division Training School (DTS) at ng Real State Preservation and Economic Welfare Center (REPEWC).

Samantala, Inihayag naman ni Major General Felimon T. Santos Jr., Commander ng 7th (Kaugnay) Infantry Division na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang isinasagawang aktibidad upang mas lalong mapabuti ang kanilang pagbibigay serbisyo sa taumbayan.

Facebook Comments