WINASAK | Ilang depektibong kilohan na nakumpiska sa Naga City, sinira ng lokal na pamahalaan

Naga City – Sinira ng lokal na pamahalaan ng Naga ang nasa 215 depektibong timbangan na kanilang nakumpiska sa Naga City People’s Mall.

Isinagawa ang pagwasak sa mga timbangan sa city hall grounds upang magsilbi itong babala sa ibang nagtitinda sa palengke na huwag nang subukan ang gumamit ng mga ganitong uri ng pandaraya.

Ang mga nasabing timbangan ay kanilang nakumpiska simula pa noong ipatupad ang citywide registration and calibration sa lungsod.


Karamihan sa mga ito ay hindi na tinutubos ng mga may-ari dahil mas mahal pa ang multa kung kukunin ito kumpara kung bibili na lamang ng bago.

Facebook Comments