Tatlong buwang closed fishing season,ipinatupad ng BFAR sa Zamboanga Peninsula

Ipinatutupad na ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong buwang pagbabawal sa panghuhuli ng isdang sardinas sa East Sulu Sea, Basilan Strait, at Sibugay Bay.

Alinsunod sa Bureau Administrative Circular No. 255, nagsimula ang “closed fishing season” noong December 1 at magtatagal hanggang March 1 ng susunod na taon .

Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, ito ang panahon na nagpaparami ang mga isdang sardinas.


Partikular na ipinagbabawal ang panghuhuli sa loob ng conservation area sa western municipal/national waters ng Zamboanga del Norte, south at eastern waters ng Zamboanga City at southern portion ng Zamboanga Sibugay.

Ani Gongona, malaking porsiyento ng huling isdang sardinas ay nakukuha sa nasabing karagatan at may pagtaas pa ng 11% noong nakaraang taon.

Facebook Comments