
Inalis na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong buwang closed fishing season sa Zamboanga Peninsula.
Ipinatupad ang fishing ban noong Nobyembre ng nakaraang taon upang maprotektahan ang sardine spawning period sa rehiyon.
Batay sa inilabas na advisory ng ahensya, maaari nang pumalaot ang mga mangingisda sa conservation area, kabilang ang katubigan ng East Sulu Sea, Basilan Strait, at Sibuguey Bay, simula ngayong araw.
Dahil sa pag-alis ng ban, inaasahang muling sisigla ang produksyon ng sardinas sa rehiyon.
Facebook Comments










