Tatlong Chinese nationals na nagpasok sa bansa ng Chinese prostitutes, iniharap ng NBI sa media

180

Iniharap na ng NBI sa media ang tatlong Chinese nationals na sinasabing nasa likod ng pagpapasok sa bansa ng mga babaeng Chinese prostitutes.

 

Ang naturang mga tsino na sina Liang Feng, Lu Fu Xing at Chen Xun Bo ay naaresto sa entrapment operation sa isang five star hotel and casino sa Pasay City.


 

Ayon sa NBI, kabilang sa mga naaresto ang nagsisilbing manager ng grupo at ang mga tauhan nitong bugaw.

 

Nabatid na karamihan sa kliyente ng grupo ay mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Corporation o POGO o mga Chinese rin mismo.

 

Ang transaksyon anila ng mga suspek ay sa pamamagitan ng online.

 

Sinampahan na ang Chinese nationals sa Pasay City Prosecutor’s Office ng paglabag sa expanded anti-trafficking in persons act of 2012 at iba pang kaso.

Facebook Comments

From Advertisers