Thursday, March 19, 2026

TATLONG CONSTRUCTION WORKER, NAHULIHAN NG TUYONG DAHON NG MARIJUANA SA BANGAR, LA UNION

Nahulihan ng tuyong dahon ng marijuana ang tatlong construction worker sa isinagawang buy-bust operation sa Bangar, La Union, gabi ng Marso 18 hanggang madaling araw ng Marso 19, 2026.

Kinilala ang mga suspek na pawang mga lalaki, edad 22, 22, at 28, mga binata at residente ng Tagudin, Ilocos Sur.

Isinagawa ang operasyon sa Barangay General Prim West sa koordinasyon ng PDEA-RO1.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 5 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na may standard drug price na ₱600, na nakalagay sa isang self-sealing transparent plastic sachet at dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naibenta sa operasyon.

Narekober din ang ilang non-drug evidence kabilang ang buy-bust money, boodle money, at cellphone na ginamit sa operasyon.

Isinagawa sa mismong lugar ang pagmamarka at imbentaryo ng mga ebidensya sa presensya ng mga suspek at mga itinakdang saksi, alinsunod sa umiiral na batas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bangar Police Station ang mga suspek at nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments