Kasabay ng pagsisimula ng Election Period at ang pagpapatupad ng COMELEC Gun Ban, naghigpit ang kapulisan sa mga itinayong COMELEC Checkpoints sa pagbabantay at paninita sa mga nagdaraang motorista sa mga ito.
Sa isang panayam, sinabi ni PLtCol. Ferdinand de Asis, Information Officer ng Pang PPO,umaabot umano sa tatlong daan (300) na motorist ang daily average ang kanilang nahuhuli sa mga naunang magkakasunod na mga araw.
Karaniwan umano sa mga nahuhuli at traffic violators ay ang kawalan ng lisensya, walang suot na helmet maging ang walang registration ang mga sasakyang gamit. Ilan pa sa mga nahuhuli ay lumalabag sa IATF guidelines tulad na lamang ng walang physical distancing sa sasakyan at walang suot na face mask.
Dagdag nito na wala pa silang nahuhuli na may dalang anumang armas o baril habang dumadaan sa mga checkpoints.
Tapos na rin umano ang application ng certificate of authority and exemption to carry firearms at ang mga tumatakbo namang mga kandidato ay maaring magrequest ng kanilang Police Security kung nakitaan ng banta sa kanilang buhay bilang kandidato.
Sa huli, sinabi ni de Asis na ang pagsasagawa ng checkpoints ay simple lamang at may panuntunan sinusunod ang kapulisan at nakiusap naman ito sa mga motorist na kung maaari ay makipagtulungan sa mga ito. | ifmnews
Facebook Comments