P300K, Itinakdang Pabuya sa Makapagturo sa mga Pumatay sa Isang Pari

Kabuuang tatlong daang libong piso (P 300, 000.00)  ang itinakdang pabuya sa sinumang makapagtuturo sa tatlong gun man sa nangyaring pagpatay kay Father Mark Anthony Ventura sa Gattaran, Cagayan.

Ito ang ipinahayag ni PCSupt Jose Mario M Espino, Regional Director ng PRO2 sa nangyaring pulong balitaan ng Special Investigation Task Group na binuo para resolbahin ang kaso.

Ayon kay RD Espino ang naturang halaga ay mula inilaan ng pamilya ng Father Ventura na P200, 000.00 at karagdagang P100, 000.00 na magmumula sa PNP.


Magugunita na noong araw ng Linggo, Abril 29, 2018 ay binaril ng tatlong magkakasamang indibidwal ang naturang pari pagkatapos ng ginanap na misa sa isang gym.

Kaugnay nito ay ipinalabas na rin ang cartoghraphic sketch ng isa sa tatlong suspek.

Umaasa ang kapulisan na sa dami ng mga impormasyong nagsidaratingan ay mareresolba agad ang naturang kaso.

Facebook Comments