Tatlong dam sa Luzon, patuloy na nagpapakawala ng tubig ayon sa PAGASA

Tuloy pa rin ang pagpapakawala ng tubig ng Binga at Ambuklao dam simula kahapon.

Batay sa ulat ng PAGASA Hydro-Meteorology Division, binuksan na ang 5 water gate ng Binga dam na may taas na 2.50 metro habang 4 na gate naman ang binuksan sa Ambuklao dam na may taas na 2 metro.

Base naman sa huling reading ng Binga Dam, umabot na sa 573.95 meters ang water level nito bago maabot ang normal high water elevation na 575 meters.


Samantala nasa 751.62 meters na ang lebel ng tubig sa Ambuklao, 38 meters na lang bago maabot ang 752 meters normal high water elevation.

Nasa 100.89 meters ang lebel ng tubig sa Ipo dam at patuloy ring nagpapakawala ng hanggang 20 meters ang taas.

Sa ngayon, nagbawas na ng imbak na tubig ang tatlong dam sa Luzon dahil sa mga pag-ulan dala ng Bagyong Jolina nitong nakalipas na mga araw.

Facebook Comments