Pagpapabakuna sa kasama ng mga senior citizen, nakakataas sa vaccine confidence ng mga nakatatanda

Pinuri ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang hakbang ng pamahalaan na bakunahan din ang companion o caregiver ng mga senior citizen.

Ayon kay Ordanes, mas tumaas ang vaccine confidence ng mga nakatatanda at mas marami ang na-engganyong magpabakuna.

Iminungkahi naman ng kongresista na tiyaking bakunado na rin ang buong kabahayan kung saan nakatira ang isang senior.


Sa paraan aniyang ito, matitiyak ang micro-herd immunity.

Umaasa naman si Ordanes na agad itong maisakatuparan upang magtuloy-tuloy ang pagdating ng delivery ng bakuna na binili ng bansa.

Facebook Comments