Tatlong dam sa Luzon, patuloy na nagpapakawala ng tubig ayon sa PAGASA

Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapakawala ng tubig sa tatlong dam sa Luzon dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat at Bagyong Falcon.

Partikular dito ang Ambuklao, Binga Dam at Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan.

Batay sa pinakahuling datos ng PAGASA-Hydrometreology Division, umabot na sa 101.09 meters ang lebel ng tubig sa Ipo Dam na lagpas pa rin sa spilling level nito na 101 meters, kung kaya’t nakabukas ngayon ng .15 meters ang isang gate ng dam.


Habang binuksan din ng 0.5 meters ang tig-isang gate ng Ambuklao at Binga dam.

Samantala, nadagdagan pa ng .75 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa magdamag na pag-ulan.

Kasunod nito, umakyat pa sa 195.80 meters ang pagtaas ng tubig sa Angat Dam, na higit na mas mataas kumpara sa minimum operating level na 180 meters.

Facebook Comments