Tatlong drug suspect, arestado sa buy bust operation sa Muntinlupa City

22

Huli ang tatlong drug suspek matapos ang ikinasang buy-bust operatipn sa Muntinlupa City.

Kinilala ang mga ito na sina Dan Mark Vejiga, 36-anyos, Virgilio Vasquez, 46-anyos at Mark Roda, 29-anyons, mga residente ng Muntinlupa City.


Sa ulat ng Muntinlupa PNP, ikinasa ang buy bust operation sa Purok 1, Brgy. Sucat, Muntinlupa City matapos makumpirma ang impormasyon na sangkot sa illegal drug transactions ang mga naaresto.

Sa operasyon nakuha sa kanila ang nasa 1.3 grams na may halagang P8,840 na na ngayon ay nasa Southern Police District Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek Muntinlupa Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments