Mid-year bonus ng mga empleyado ng Lokal na pamahalaan ng Maynila, matatanggap na sa susunod na linggo

34

Matatanggap na ng mga empleyado ng Manila City Government ang kanilang mid-year bonus.

Aabot sa P350 million ang pondong inaprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno para sa mid-year incentives ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.


Simula Mayo 18 ay makukuha na ang midyear bonus sa mga payroll account ng kanilang mga empleyado.

Ayon sa alkalde, mahigit 8,000 manggagawa nila ang makakatanggap ng nasabing benepisyo.

Makakatulong aniya ito sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod para maibsan ang hirap na nararanasan ngayong may COVID-19 pandemic.

Facebook Comments