Tatlong ektaryang lupain, inilaan ng Cebu City para ilibing ang mga namamatay sa COVID-19

Naglaan ang Cebu City Government ng tatlong ektaryang lupain para gawing burial site o libingan ng mga namamatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Retired General Wilben Mayor ng National Task Force COVID-19, inaprubahan ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) Visayas dahil sa kakulangan ng crematoriums sa siyudad.

Aniya, tatlong crematoriums lang mayroon sa Cebu City kung saan apat na bangkay lamang ang kaniya ng mga itong macremate, kaya wala silang ibang opsyon kundi ilibing ang mga namamatay sa COVID-19.


Ang libingan ay makikita sa Sitio Catives II ng Cebu City na tinawag na Cebu City Botanical Memorial Garden.

Tiniyak naman ni Cebu City Councilor Dave Tumulak, na siya ring chairperson ng City Council’s Committee on Risk Reduction and Management na wala itong panganib sa kalusugan ng mga residenteng malapit sa lugar.

Sa halip, makakatulong pa nga ito para magkaroon ng kabuhayan ang mga residente na malapit sa libingan.

Facebook Comments