Patay ang tatlong elepante sa Zurich zoo sa Switzerland matapos tamaan ng nakamamatay na virus.
Batay sa ulat, unang nasawi ang dalawang taong-gulang na si Umesh matapos tamaan ng endotheliotropic herpesvirus o EEHV noong katapusan ng Hunyo.
Sunod na kinitil ng EEHV ang walong taong kapatid nitong si Omysha ilang araw lamang matapos masawi ni Umesh habang nitong nakaraang linggo ay sinundan na ng limang taong gulang na elepante na si Ruwani.
Ang EEHV ay isang uri ng herpesvirus na nagdudulot ng internal bleeding at organ failure sa mga elepante na may 85% na mortality rate.
Nahihirapan ngayon ang mga eksperto kung paano mapipigilan ang pagkalat ng virus dahil mahirap din itong ma-detect.
Patuloy namang binabantayan ang kalagayan ng limang natitirang elepante sa 11,000 metro kwadrado na elephant enclosure sa Zurich zoo.