Celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, engaged na!

82

From Arjo cutie to I will marry you cutie.

Engaged na nga ang celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Ibinahagi ni Maine ang balita sa kaniyang Instagram account kung saan nagpost ito ng litrato nila ni Arjo na pinapakita ang engagement ring.


Ito ay may caption na “Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”.

Nagpaabot naman ng pagbati ang ilang celebrities tulad nina Ria Atayde, Pauleen Luna at Maja Salvador.

Mababatid na inamin ng dalawa ang kanilang relasyon noong January 2019 matapos umusbong ang mga usap-usapan na nagdedate sila noong December 2018.



Facebook Comments