Tatapat sila sa isang pandaigdigang entablado upang maipakita ang kanilang kaalaman, kakayahan, at determinasyon laban sa kanilang mga kalahok mula sa iba’t ibang panig ng Asya at Europa.
Nakamit ng tatlo ang pagkakataong sumabak sa international round ng kompetisyon matapos nilang magtagumpay sa ikalawang round ng national finals kung saan sila ang napiling lumahok para kumatawan sa koponan ng Pilipinas.
Haharapin nila ang kompetisyon nang may kumpiyansa at pagmamalaki, sapagkat anuman ang maging resulta, isang tagumpay na ang pagkakataong maipamalas ang kanilang husay habang dala ang pangalan ng Calasiao.
Todo naman ang suporta ng kanilang paaralan at ng lokal na pamahalaan ng Calasiao para sa mga kabataang lalahok sa naturang kompetisyon.
Sa pagharap nila sa pagsubok na ito, baon nila ang isang karanasang maaari nilang dalhin habang patuloy nilang inaabot ang kanilang mga pangarap at nagbibigay inspirasyon din sa kapwa nilang kabataan sa silid-aralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







