Tatlong grade 12 students, arestado matapos halayin ang kaeskwela nitong Grade 11 student

Nasakote ng mga awtoridad ang tatlong lalaking grade 12 students matapos na manghalay umano ng kaeskuwela nitong 16-anyos na babeng Grade 11 sa Baseco Compound sa Maynila.

Pawang nasa 19-anyos at dalawang 18-anyos ang mga suspek sa nangyaring panggagahasa.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, niyaya umano ng isa sa mga suspek ang biktima na makipag-inuman.

Habang nag-iinuman, nakaramdam ng pagkahilo ang biktima at natulog muna sa isang kwarto.

Naalimpungatan ang biktima matapos na makaramdam na may humahawak sa kaniyang mga kamay at dito na nagsimulang pagtulungang halayin ang menor de edad.

Nang makatulog ang mga suspek, nakakuha ang biktima ng pagkakataon na makatakas at pumunta sa kaibigan nito bago makapagsumbong sa magulang nito at sa awtoridad.

Agad na nagkasa ng follow-up operations ang Baseco Police Station kung saan nadakip ang isa sa mga suspek at agad na itinuro ang dalawa pang kasabwat nito.

Nakapiit na sa custodial facility ang mga suspek na mahaharap sa kasong rape.

Facebook Comments