TATLONG GRANADA AT ILANG MGA BALA, KUMPISKADO SA ISANG LALAKING NAG-AMOK SA BAYAN NG STA. BARBARA

65

Nahaharap sa kaukulang kaso ang isang bente uno anyos na lalaki matapos itong mag-amok at mahulian ng mga granada at ilang mga bala sa bayan ng Sta Barbara.

Ang suspek ay kinilalang si Jonald David na residente ng barangay Banaoang sa nasabing bayan.

Inireport sa PNP ang umano’y pag-aamok ng suspek na may dalang granada sa kahabaan ng national road ng Barangay Tebag West sa nasabing bayan pasado ala una ng madaling araw.


Pagdating ng kapulisan doon ay naabutan pa ang suspek kung saan ay inabot pa ng ilang minuto ang negosasyon bago ito napasuko.

Dito na nakumpiska ang isang hand grenade, dalawang 40mm grenade, isang magazine ng m16 na may sampung bala kasama din ang isang kutsilyo.

Inaalam pa ang dahilan ng pag-aamok nito habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.



Facebook Comments