Tatlong Gunman na Pumatay sa Isang Pari, Namataan sa Baggao, Cagayan!

1173

Cagayan, Isabela – Mayroon nang bakas kung saan nagtatago ang mga suspek na pumatay kay Father Mark Ventura nitong Abril bente nuwebe sa barangay Peṅa Weste, Gattaran, Cagayan.

Ito ang kinumpirma ni Chief of Police Rodel Tabulog ng PNP Gattaran, Cagayan sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.

Ayon kay Chief of Police Tabulog, Mayroon na silang palatandaan kung saan nagtatago ang tatlong suspek matapos makatanggap ang kanilang himpilan mula sa PNP Baggao na dalawang oras matapos ang pamamaril ay namataan umano ng mamamayan ng Baggao ang mga suspek sa isang pansitan at nagkakabit ng plaka sa kanilang itim na honda XRM.

Nakumpirma rin na mula sa ipinalabas na carthographic sketch ng isa sa mga suspek ay pareho sa nakitang itsura ng mga lalaki sa isang pansitan sa Baggao.

Ayon pa sa hepe, ito umano ang pinakamatinding krimen na kanyang nahawakan sa loob ng labing dalawa nyang pagiging hepe dahil Pari na umano ang nasangkot dito.

Naniniwala naman ang PNP Gattaran na mga hired killers ang mga pumatay sa pari dahil sa mga indikasyong hindi nila mismo kilala ang pari maging ang mga daan sa naturang lugar.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng Manhunt Operation ang mga Kapulisan ng PNP Cagayan para sa ikahuhuli ng mga hired suspek at malaman kung sino ang utak sa pagpatay kay Father Mark Ventura.

Facebook Comments