Dalawang Menor De Edad Na Tulak ng Droga, Huli sa Isabela!

52

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Arestado Ang dalawang menor de edad na tulak ng droga sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng Ilagan City Police Station at PDEA RO2 sa Barangay Malalam, City of Ilagan, Isabela kamakailan.

Ang mga suspek ay itinago sa pangalang Mark John, disi syete anyos, studyante at residente ng Brgy. Allinguigan dos, City of Ilagan at Rudy Ventura, disi sais anyos, studyante at residente ng barangay Reina Mercedes, Isabela.

Nakuha mula sa dalawang tulak ng droga ang dalawang rolled newspaper na naglalaman ng mga tuyong dahon na pinaghihinalaang marijuana na ibinenta sa isang pulis na nagpanggap bumili.

Narekober din mula sa pag-iingat ni Mark ang dalawang libong pisong buy bust money, isang libong genuine money at isang cellphone.

Nasa kustodiya na ng PNP City of Ilagan ang dalawang suspek at mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments