*Cauayan City, Isabela*- Tatlong guro ang kumpirmadong patay habang 9 ang sugatan kabilang ang school nurse at admin ng paaralan matapos bumaligtad ang sinasakyang pampasaherong van sa Sitio Lonnog, Brgy. Mabaca, Tanudan, Kalinga kagabi.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Roderick Sucliyao, Crisencia Wandag Cayangao at Marcelina Dupagan Sapon na pawang mga guro.
Ayon kay Provincial Director P/Col. Job Russel Balaquit ng Kalinga, kabilang sa mga sugatan ay kinilalang sina Arriane Katlyn Dalanao; Hubert Abuwac; Ralyn Lugao Dao-Ayan; James Ballay Abuwac; Leonida Abuwac Puctiyao; Alister Dalanao,Francisca Addagan, Nathaniel Dalanao Jr. at isa pang bata maging ang drayber ng van na si Fernando Salvador.
Lumalabas sa imbestigayson ng pulisya, binabagtas ng nasabing sasakyan ang pakurbadang daan nang mawalan ng control sa manibela ang drayber dahilan para bumangga sa kongkretong barikada at agad na bumaligtad.
Nananatili naman sa Kalinga Provincial Hospital at Almora General Hospital ang iba pang mga sakay para sa kaukulang lunas.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.
Photo Courtesy: Kalinga Tambayan Page