MANILA – Tatlong Heneral ng Philippine National Police (PNP) na umanoy korap ang pinagbibitiw na ni President-Elect Rodrigo Duterte.Sa kanyang mensahe sa “DU31: one love one nation thanksgiving party” noong Sabado sa Crocodile Park sa Davao City, sinabi nitong hindi na kailangang hintayin ng mga nabanggit na opisyal na sila’y ipahiya sa publiko.Bagamat hindi pinangalanan ang tatlong heneral, ang mga ito ay naka-assign sa Campo Crame.kaugnay nito, mahigpit na iniutos ni duterte na patayin ang mga pulis na sangkot sa illegal drugs trade.hinikayat rin ni digong ang mamamayan na bantayan ang kanilang komunidad at ipatupad ang citizens arrest sa mga kriminal.Samantala, ipinalala ni Outgoing Presidential Communication Secretary Sonny Coloma na ang anumang kilos laban sa katiwalian ay kailangang dumaan sa tamang proseso, alinsunod sa isinasaad ng batas.Ani Coloma, ang anumang hakbang hinggil sa pagkamit ng naturang hangarin ay dapat bigyan ng suportang legal.
Tatlong Heneral Ng Pnp, Pinagre-Resign Ni President-Elect Rodrigo Duterte Dahil Sa Korapsyon
Facebook Comments