Libu-libong Muslim, dadagsa ngayon sa Quirino Grandstand para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

174

Manila, Philippines – Dagsa na sa Quirino Grandstand sa Maynila ang libu-libong Muslim para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Bukas pa sana papatak ang Eid’l Fitr pero ngayong araw na ito isinagawa matapos na makita ang buwan kagabi na hudyat ng pagtatapos ng Ramadan.

Nabatid na galing pa sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at kalapit na lalawigan ang mga Muslim na dumagsa ngayon sa Quirino Grandstand.


Habang ang ilan ay nagtungo sa Golden Mosque sa Quiapo para doon magdasal.

Samantala, libu-libong pulis na rin ang nakakalat ngayon sa paligid Quirino Grandstand at Golden Mosque para matiyak ang kaligtasan ng mga kapatid nating Muslim.

Facebook Comments