Tatlong high value target ng PDEA, timbog makaraang makuhanan ng ₱100,000 na halaga ng shabu sa Tarlac

Nahulog na sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong high value target sa kalakaran ng illegal na droga sa Tarlac.

Isinagawa ang drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Alfonso, Concepcion, Tarlac.

Nagresulta ito sa pagkakasamsam ng shabu na nagkakahalaga ng ₱100,000.


Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga arestado na sina Ruben Pagcu ,48, Raul Dayrit, 40, at Ronnie Castro, 47.

Batay sa report, nakipag-transaksyon ang mga suspek sa isang PDEA undercover agent na nakabili ng tatlong sachet ng shabu.

Nang magpositibo ang drug deal, dito na dinakma ang tatlong tulak ng droga.

Nakuha sa drug operation ang tatlong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 16 gramo ng shabu na may tinatayang street value na ₱108,800; mga sari-saring gamit sa droga at ang buy-bust money na ginamit ng poseur buyer.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.

Facebook Comments