Tatlong hinihinalang kilabot na drug pusher, timbog sa Antipolo City

Naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Antipolo City ang tatlong tinaguriang Notorius na umano’y drug pushers makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Herrera Compound, Nazarene Ville, Barangay San Roque, Antipolo City.

Kinilala ang mga suspek na si Rodel Santos y Paguito alyas Uding, bagong kilalang umano’y drug pusher sa Antipolo City, Mirasol Eugenio y Asuncion alyas Sol at Ricky Calme y Cabayag alyas Ricky.

Ayon kay PSSgt. Jerome R. Verzo, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Antipolo City Philippine National Police (PNP) laban sa mga suspek kung saan nakumpiskahan ang mga ito ng 14 pirasong plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu, 1 pirasong paper envelop, 1 pirasong box ng tooth paste, 2 pirasong cellphones, buy-bust money na nagkakahalaga ng P500 at iba pang pera na narekober sa mga suspek na umaabot sa P500 at isa motor cycle na kulay asul.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments