General Santos City— Resulta ng mas pinaigting sa siguridad ng military ang engkwentro laban sa grupo ng Dawla Islamiya Torayfe Group sa Sitio Landing Fish, Brgy. Darampua, Sultan Sa Barongis, Maguindanao kung saan tatlong Improvised Explosive Device o IED ang narekober.
Sa internview ng RMN Gensan kay Major General Cirilito Sobejana, ang commanding officer ng 6th Infantry Division na ang nasabing operasyon ang parte ng kanilang ginagawang security measures sa darating na plebisito ngayong January 21.
Dagdag pa nito nga nakatanggap sila ng impormasyon na may ipapasok na mga bomba sa ilang urban centers kung kaya’t agad silang naghigpit ng siguridad.
Narekober nila ang tatlong IED na gawa sa 81mm mortar. Siniguro naman ni MGen.Sobejana na on top sila sa pagbabantay ng siguridad at nananatiling manageable ang peace and order sa kanilang area of responsibility.
(photo: 6th ID)