TATLONG INDIBIDWAL, HULI SA ILIGAL NA TRANSPORTASYON NG MGA TROSO

Arestado ng mga awtoridad ang tatlong indibidwal sa iligal na transportasyon ng mga troso sa Brgy. Matalao, Sto. Niño Cagayan. nitong Linggo, Setyembre 11, 2022.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Dante, 33 anyos, magsasaka; alyas Robin, 17 anyos, estudyante; at alyas Tonyo, 19 anyos, magsasaka; lahat ay mga residente ng Brgy. Centro Norte, Sto. Niño, Cagayan.

Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Office, nahuli sa aktong ang tatlo na nagdadala ng pitong pirasong mga kahoy na walang kaukulang dokumento gamit ng isang motorized banca sa kahabaan ng ilog ng Cagayan.

Nakipag-ugnayan naman ang pulisya sa DENR-CENRO Solana para sa sa tamang sukat ng mga nakumpiskang troso.

Ang matagumpay na operasyon ay resulta dahil sa pinagsanib na pwersa ng Sto. Niño Police Station bilang “lead unit” kasama ng 202nd Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion at 1st Provincial Mobile Force.

Dinala ang mga suspek sa Sto. Nino Police Station para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Samantala, ang naarestong menor de edad ay inendorso sa Department of Social Welfare and Development.

Facebook Comments