TATLONG INFRASTRUCTURE PROJECTS SA TUAO, CAGAYAN, BINUKSAN NA

CAUAYAN CITY – Pormal nang binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa bayan ng Tuao, Cagayan ang tatlong infrastructure project na nagkakahalaga ng mahigit P28 milyon.

Una sa binuksan ang kongkretong kalsada na nag-uugnay sa Barangay Bicoc at Barangay Sto. Tomas kung saan ay may haba itong 1.4 kilometers.

Sumunod naman ang pagpapasakamay ng Multi-Purpose Gymnasium sa Taribubu Integrated School upang magamit sa mga isasagawang aktibidad ng paaralan at barangay.


At ang panghuli naman ay ang Bulagao Flat Slab Bridge sa Brgy. Bulagao na may habang 28 metro at mayroon din slope protection bilang karagdagang pagpapatIbay sa pundasyon ng tulay.

Sa pahayag ni Governor Manuel Mamba, umaasa siyang mapapaabot na sa mga liblib na lugar ang mga serbisyo ng gobyerno na nararapat sa mga mamamayan.

Pinangunahan ni Gov. Mamba ang aktibidad kasama sina Provincial Engineer Kingston James Dela Cruz, ibang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, at mga opisyales ng nabaggit na bayan.

Facebook Comments