Tatlong Job Fairs sa Isabela, Isasagawa ng DOLE Region II!

169

*Cauayan City, Isabela- *Magkakaroon ng tatlong job fairs sa Lalawigan ng Isabela kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day bukas, May 1, 2019.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Atty. Sarah Mirasol, Regional Director ng DOLE Region II sa naging panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.


Aniya, unang isasagawa ang job fair bukas, May 1, 2019 sa FLDY Coliseum, Cauayan City kung saan nasa mahigit 4,000 job vacancies ang naitala na maaaring aplayan ng mga aplikante.

Tinatayang nasa 2, 245 job vacancies para sa local employment habang sa overseas jobs naman ay nasa mahigit 2,000.

Nakatakda namang isagawa ang job fair Sa May 3, 2019 sa Santiago City na susundan ng City of Ilagan sa May 4, 2019.

Ayon pa kay Atty. Mirasol, maraming kumpanya mula sa Metro Manila at karatig probinsya ang nakipag-ugnayan sa kanilang tanggapan na nangangailangan ngayon ng karagdagang empleyado.



Hinihimok ngayon ni Atty. Mirasol ang mga interesado na magtungo sa ilalargang job fair sa Labor Day at sa mga susunod pang araw na nabanggit.


Paalalaa naman sa mga magtutungo na magdala ng mga requirements gaya na lamang ng biodata o resume, 2×2 picture; certificate of employment; diploma/transcript of records; at authenticated birth certificate.

Dagdag dito, marami anya ang makukuha agad sa mismong araw ng job fair.

Facebook Comments