Tatlong Kababaihan, Arestado sa Paglalaro ng Tong-its!

65

San Mariano, Isabela- Nadakip ng kapulisan ang tatlong kababaihan matapos magsagawa ng Anti-Illegal Gambling Operation ang PNP San Mariano kanina, Abril kinse, Dos Mil Disi Otso.

Kinilala ang mga nadakip na sina Liza Castillo, 49 anyos, Alma Hilario, 43 anyos, walang asawa, Rochelle Tilingdan, 24 anyos mga pawang residente ng Brgy. District 1, zone 3 San Mariano, Isabela.

Sa impormasyong ibinahagi ng PNP San Mariano sa RMN Cauayan News Team, naaktuhan umano ang tatlong suspek na naglalaro ng Tong-its sa naturang barangay ng madakip ang mga ito.

Samantal, nakumpiska mula sa kanila ang isang set ng playing Cards, Isang Wooden Table at perang nagkakahalaga ng 365 pesos.

Agad na dinakip ng mga pulis ang tatlong suspek at dinala sa PNP San Mariano para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.

Facebook Comments