Nasa kustodiya ngayon ng Leon B. Postigo Municipal Police Station sa lalawigan ng Zamboanga del Norte ang tatlong ka tao at under investigation para matukoy kung ang mga ito ay kabilang sa mga tumakas na miembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS)-inspired Maute Group sa Marawi.
Ang tatlo ay naaresto sa may mosque sa Barangay Palandok, Leon B, Postigo ng nasabing lalawigan.
Kinilala ang tatlo na sina Ismael Amado, 28 anyos, residente ng San Vicente, Tungawan; Karim Manisan, 21 anyos, residente ng Bangkerohan, Ipil at Khalid Amiludin, 21 anyos, residente ng R.T. Lim lahat sa Zamboanga Sibugay.
Nang hingan ang mga ito ng kanilang identification papers, iprinisenta ng tatlo ang kanilang BIR Identification Numbers pero napag-alamang ito ay mga peke.
Ang tatlo ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Leon B. Postigo MPS at 44th IB Philippine Army matapos makatanggap ng report hinggil sa presensya ng mga kahina-hinalang tao sa lugar.
Matatandaang, ilan sa mga local government units sa rehiyon 9 ay nagpapatupad ng “No ID, No Entry “ policy para mapigilan ang posibleng pagpasok ng mga terorista na tumakas mula sa Marawi City.
Tatlong kahina-hinalang tao, kinustodiya ng Leon B. Postigo PNP sa Zamboanga del Norte.
Facebook Comments