Tatlong kakababaihan huli sa iligal na sugal sa San Carlos City Pangasinan

* Huli ang tatlong kakababaihan at dalawang lalaki sa iligal na droga sa San Carlos City.*
Kinilala ang mga ito na sina Jennifer Cabuang, bente nuebe anyos, Rhealyn Rosario, trentay singko anyos, Gloria Ferrer, kwarentay otso at parehong mga residente ng Brgy. San Pedro ng nasabing siyudad. Kinilala din si Marlon Padlan, trentay otso anyos, residente ng Brgy. Mamarlao ng parehog siyudad at huli si Arthur Rosete, singkwentay dos anyos na residente ng Brgy. 95 J Mariano, Caloocan City.
Ayon sa imbistigasyon habang nagsasagawa ng illegal gambling operation ang San Carlos PNP ang mga ito ay huli sa aktong pagsusugal ng “pares pares”at nakuha mula sa kanila ang isang baraha at pera na nagkakahalaga ng 894 pesos.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa P. D 1602 o Anti-Illegal Gambling para sa mga nahuli. [image: SUGAL.png]

Facebook Comments