Tatlong Kalalakihan, Timbog matapos Masangkot sa Iligal na Droga

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya ang tatlong kalalakihan dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na droga sa Probinsya ng Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Santiago, 28 anyos at residente ng Brgy. Ugac Norte, Tuguegarao City matapos mapagbentahan ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer habang nakuha din sa pag iingat nito ang P1,000.00 na buy-bust money.

Gayundin, dinakip ng pulisya ang isa pa na kinilalang si Fermin Addun, 35 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Zone 2 ng Brgy. Cataggaman at nakumpiska sa pag iingat ng suspek ang P500.00 at P11,500 na boodle money at isang cellphone na pinaniniwalaang ginagamit sa iligal na transaksyon habang natimbog din ang isang binata na nakilalang si Elgin Lloyd Avelino, 23 anyos at residente ng Brgy. San Gabriel matapos makumpiskahan ng P500.00 at P2,000.00 piso bilang boodle money at kapwa mga naninirahan sa Lungsod ng Tuguegarao.


Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments