Tatlong kasunduan, inaasahang lalagdaan ng Pilipinas at South Korea sa gaganaping ASEAN-ROK summit

 

 

Tatlong kasunduan ang inaasahang lalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

 

Kasabay ito ng pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit simula bukas, November 25 hanggang 26, 2019.

 

Ayon kay Philippine Ambassador to South Korea Noe Albano Wong, isinasapinal pa ang mga kasunduan.


 

Pero kabilang sa posibleng talakayin nina Pangulong Duterte at South Korean President Moon Jae-In ang usaping pang-edukasyon at free trade at fisheries.

 

Dalawang plenary sessions din ang dadaluhan ng pangulo kasama si Pres. Moon at iba pang ASEAN leaders na sesentro naman sa relasyon ng ASEAN at South Korea.

 

Magkakaroon din ng lunch retreat sa November 26 kung saan kabilang sa tatalakayin sa summit ang hinggil sa denuclearization ng North Korea.

Facebook Comments