Tatlong katao arestado sa ilegal na droga sa Manila

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District ang tatlong kalalakihan matapos na mahulihang nagsusugal ng Kara y Cruz at shabu sa F Torres st., corner Katubusan st., Sta Cruz, Manila.

 

Nakilala ang mga suspek na sina Ernesto Dela Pena  51 anyos, Rouel Roxas  44 anyos at Darwin Relado 40 anyos, at residente ng  305 Muelle Dela Industria st., Binondo Manila.

 

Ayon kay P/ Maj. Anthony Sy nagsasagawa sila ng anti criminality operation sa  F torres st., kanto katubusan st Sta Cruz, Manila dahil sa napaulat na nagsusugal ng Kara y Cruz ang mga suspek kung saan nakuha sa kanilang pag-iingat ang tatlong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.


 

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at PD 1602 o illegal gambling.

Facebook Comments