Tatlong katao, arestado sa isinagawang anti-crime at illegal drugs operation ng EDP

68

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong katao sa isinagawang anti-crime at illegal drugs operation ng mga operatiba ng Eastern Police District sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City.

Unang naaresto si Juanito Reyes sa Dr. Sixto Avenue, Brgy. Rosario matapos marekober sa kaniya ang isang plastic sachet na hinihinalang “shabu” at patalim.

Sumunod na naaresto ay si Lester Reyes na nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa F. Andres St., malapit sa Brgy. Rosario Sports Complex kung saan nakuha sa kaniya ang apat na plastic sachet ng shabu.

Huling naaresto ay si Enrico Santos alyas “Papa Bangus” na nadakip din sa isinagawang buy bust operation sa Dr. Sixto Kanto ng Bernal Street at nakumpiska sa kaniya ang limang plastic sachet ng shabu at cal., 45 pistol.

 

Facebook Comments