Isang bading, arestado sa modus operandi nito sa pan ghihingi ng abuloy sa Parañaque City

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang bading matapos na mabuko ang modus operandi nito hinggil sa panghihingi ng abuloy sa kunwari nitong kamag-anak na namatay sa Brgy. San Antonio, Parañaque City.

 

Sa ulat, nagulat ang pamilya ng namatay na si Nichole Flores nang mabalitaan na may nag-iikot sa kanilang lugar na kanila daw kamag-anak at humihingi ng abuloy.

 

Dahil dito, agad silang nagpatulong sa barangay officials at nang matiyempuhan ang suspek na si Michael Vergara na kumakatok sa bahay ng isang madre ay doon na nila ito dinampot.

 

Aminado naman ang suspek sa iligal na gawain kung saan natuto lang daw ito sa isang kaibigan at kaya lamang nagawa dahil sa kawalan ng pera para pambili ng iligal na droga.



Facebook Comments