Tatlong katao, dinampot sa anti-illegal gambling operation ng QCPD

49

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong kalalakihan, matapos ang inilunsad na Anti-Illegal Gambling Campaign ng QCPD sa Pampanga street, Brgy. Payatas, Quezon City.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Angelo Mendoza, 24 anyos; Edgar Amalang, 34 anyos; at Paulo San Pedro, 22 anyos, na pawang residente sa naturang barangay.

               

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagsasagawa sila ng operasyon sa lugar nang mamataan ang tatlong suspek na naglalaro ng ipinagbabawal na sugal na cara y cruz, kayat agad nilang inaresto ang mga ito.

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 ang mga naarestong sugarol.



Facebook Comments