Tricycle driver, pinagbabaril – sugatan sa Malabon City

113

Manila, Philippines – Sugatan ang isang tricycle driver matapos na tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem sa Malabon City.

 

Kinilala ang biktima na si Kevin Magtalas ,26 anyos, residente ng Kagitingan Street Brgy. Muzon Malabon City.

 

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkukumpuni ng pampasadang tricycle ang biktima sa labas lamang ng kanilang bahay ng hintuan umano ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo, bumaba ang angkas nito at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima.

 

Nagtamo ang biktima ng dalawang tama ng bala ng baril sa tiyan, leeg at sa kamay na agad isinugod sa Tondo General Hospital.

 

Inaalam na ng pulisya kung mayroong CCTV camera sa lugar para malaman kung sino at ano ang motibo ng mga suspek sa pamamaril.



Facebook Comments