Tatlong Katao sa Ilagan City, Arestado sa kasong Serious Physical Injuries

154

*Cauayan City, Isabela- *Tatlong katao ang sinilbihan ng mga otoridad ng mandamiento de aresto sa kasong Serious Physical Injuries sa Lungsod ng Ilagan.

Kinilala ang mga suspek na sina Hector Bulan, 30 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. San Isidro, Kelly Ballesteros, 42 anyos, may asawa at Brando Ballesteros, 45 anyos na kapwa residente ng Brgy. Bliss Village sa nasabing lungsod.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Ilagan, dinakip ang mga akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Jeffrey Cabasal ng MTCC 2nd Judicial Region Ilagan City para sa nasabing kaso.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng akusado na si Bulan kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P18,000.00) habang ang dalawang iba pa ay kinakailangan din na makapaglagak ng piyansang (P18,000.00) bawat isa para sa kalayaan nito.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang tatlong akusado para sa booking process

Facebook Comments