Tatlong Katao sa Santiago City, Timbog sa Aktong Paggamit ng Iligal na Droga!

Santiago City- Timbog ang tatlong katao matapos maaktuhang gumagamit ng iligal na droga sa ikinasang drug buy bust operation ng Santiago City Police Station 1 sa brgy. Divisoria, Santiago City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Claudette Turingan, 35 anyos, may-asawa, residente ng Divisoria Santiago City, Astrobal Bautista, 34 anyos walang asawa, resident e ng brgy. Patul, Santiago City at Aristotel Espina, 32 anyos, walang asawa at residente din ng brgy. Patul, Santiago City.

Sa Panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Reynaldo Maggay, hepe ng Santiago City PS1 ay nagsagawa ang mga otoridad ng operasyon kontra iligal na droga matapos mapag-alaman ang iligal na gawain ng mga suspek.


Nakuha naman mula sa mga ito ang isang sachet na shabu kapalit ng isang libong ginamit na buy bust money at ng isailalim ang mga ito sa body search ay nakakuha pa ang mga otoridad ng transparent sachet ng shabu at iba pang drug paraphernalia.

Agad namang dinala sa kustodiya ng kapulisan ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon habang isinailalim pa sa medikal na pagsusuri at napag-alaman din na si Turingan ay kabilang sa listahan ng mga drug surrenderees ngunit hindi dumadalo sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP).

Sa ngayon ay nakatakda nang isailalim sa inquest proceedings ang mga nahuling suspek.

Facebook Comments