Tatlong kawani ng Customs, bistado sa kanilang estilo ng ‘pagpapadulas’

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Bureau of Customs (BOC) ang tatlong nilang kawani dahil sa pagtanggap nila ng lagay.

Ayon kay BOC CCTV Monitoring Officer in Charge Ferdinand Cacas – apat na buwang nilang sinubaybayan ang galaw ng tatlo kawani.

Dito aniya nila nahuli ang estilo ng kanilang pagbibilang, pag-abot at pagtanggap ng pagpapadulas ng mga tagalakad ng papel ng mga broker.


Kapalit aniya ng padulas ay ang mabilis na paglabas sa pantalan ng mga kargamento.

Dagdag pa ni Cacas, mapapanagot din ang mga kasabwat ng tatlo nilang tauhan.

Dahil dito, mahigpit ang pagbabantay sa galaw ng mga kawani ng Customs 24/7 sa tulong ng mga nakakalat na CCTV sa ahensya.

Facebook Comments