Tatlong kilalang mang-aawit sa Pilipinas, nagkaroon ng collaboration bilang pagpupugay sa lahat ng medical frontliners

Nagkaroon ng collaboration ang mga singers na sina Lea Salonga, Ryan Cayabyab at Gary Valenciano bilang pagpupugay sa lahat ng medical frontliners sa bansa.

Tinatawag itong “Heroes Unmasked” na layong bigyang pagkilala ang frontline workers na patuloy na lumalaban sa virus para sa kapakanan ng maraming Pilipino.

Ang ginawang proyekto ay inisyatibo ng The Outstanding Young Men (TOYM) Foundation na layong bigyan pa ng suporta, lakas ng loob, pagtitiwala at pagpupugay ang lahat ng medical frontliners.


Inaasahang mabebenipisyuhan nito ang Panatag na Kanlungan initiative ng Philippine General Ospital na sumusuporta sa lahat ng doktor, nurses, hospital staff at volunteers sa bansa.

Facebook Comments