Inaresto ng NBI ang tatlong Koryanong nasa likod ng pagpupuslit ng limang daang libong pisong halaga ng mga smuggled na sigarilyo.
Kinilala ang tatlong Korean nationals na sina Young Kook Kim, Jong Kook Choi at Gee Poong Lee.
Ang tatlo ay nadakip sa entrapment operation sa mismong Korean store na pinatatakbo nila.
Natuklasan na walang BIR stamp ang mga sigarilyo at Bigo rin ang mga Koreano na magprisinta ng importation document.
Isinailalim na sa inquest proceedings ang tatlong dayuhan sa DOJ para sa reklamong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act o Republic Act 10863.
Facebook Comments