Tatlong lalaki, arestado dahil sa paglalaro ng ilegal na sugal sa Taguig City

Hinuli ng mga tauhan Taguig City Police Station ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhang naglalaro ng cara y cruz sa Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang mga naaresto na sinaa Michael Cuerbo, 33-anyos, Renato Lavadia, 20-anyos at Philip John Aduna, 27-anyos.

Sa ulat ng Southern Police Disrict (SPD), nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga miyembro ng Makati PNP nang maaktuhan ang mga nahuli na naglalaro ng cara y cruz sa TUP Compound ng nasabing barangay.


Narekober sa kanila ang tatlong piraso ng P1 barya, na ginamit bilang flip coin at bet money na P1,230.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Illegal Gambling.

Facebook Comments