Tatlong lalaki, huli sa iligal na pagbebenta ng petroleum products sa Taguig City

Naaresto ng mga awtoridad ang tatlong lalaking iligal na nagbebenta ng petroleum products sa kanilang ikinasang entrapment operation sa Taguig City.

Sa ulat ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), ang tatlong lalaki ay kinilalang sina Bong De Vera na may-ari ng De Vera Enterprise na unang naaresto sa General Luna Tuktukan Taguig City, Rico Escueta naaresto sa Brgy. Bambang, Taguig City at Leonardo Manalo nahuli sa Napindan, Taguig City.

Ang tatlo ay inaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Taguig pero sa iisang dahilan ang iligal na pagbebenta ng petroleum products.


Inireklamo sila ng Phoenix Petroleum Phil., Inc. sa pamamagitan ng technical team leader na si Rizaldy Garcia dahil sa umano’y talamak na ilegal na pagbebenta ng petroleum products partikular ng Phoenix Super LPG.

Sa ikinasang entrapment operation ng PNP-CIDG, kabuuang 19 na Phoenix Super LPG PLPI filled cylinder tanks, limang Phoenix Super LPG PLPI empty cylinder tank, resibo na may halagang P750 at iba pang mga resibo.

Sa ngayon, nahaharap na ang tatlong sa mga kasong paglabag sa Presidential Decree 1865, Republic Act 5700 at Republic Act 8293.

Facebook Comments