Tatlong Lalaki na Most Wanted Person Municipal Level, Arestado

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang tatlong kalalakihan na Most Wanted Municipal Level matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto ng mga ito kaninang alas siyete ng umaga sa Brgy. Poblacion, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang mga akusado na sina Rolando Quitevis, 53 anyos, may asawa, walang trabaho na residente ng Brgy. Poblacion at Top 1 sa kasong Murder, Romeo Sanchez alyas ‘Boy Sanchez’, 72 anyos, may asawa, magsasakana residente ng Brgy. Binguang Norte at Top 2 sa kasong Attempted Murder at Marvin Curibang alyas ‘Betong’, 21 anyos, butcher na residente ng Brgy. Dalena na Top 3 sa kaosng Frustrated Murder at kapwa naninirahan sa Bayan ng San Pablo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP San Pablo, boluntaryong sumuko ang mga nasabing akusado sa tanggapan ng pulisya dahil sa kinakaharap nitong mga kaso matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Br. 22 Cabagan, Isabela.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng ilang akusado kung makakapaglagak ito ng nagkakahalagang (P120,000.00) para sa kasong attempted murder ni Sanchez at (P200,000.00) para sa kasong Frustrated Murder habang wala namang inirekomendang piyansa ang korte kay Quitevis para sa kasong pagpatay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang tatlong akusado para sa booking process bago ipasakamay sa kani-kanilang court of origin.

* tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, PNP San Pablo, *Rolando Quitevis, Romeo Sanchez, Marvin Curibang, Judge Felipe Jesus Torio II, Cauayan City, Luzon

Facebook Comments