Tatlong Lalaki sa Pasil, Kalinga, Arestado sa Tangkang Pangingidnap!

*Pasil, Kalinga- *Arestado ang tatlong lalaki matapos tangkang kidnapin ang isang onse anyos na Grade 6 pupil kamakailan sa Pasil, Kalinga.

Kinilala ang mga suspek na sina John Rey Pedrosa ng Laguna, Michael Perilla ng Oriental Mindoro at si Ronald Melanis ng Sorsogon habang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Bryan, labing isang taong gulang, grade 6 pupil at residente ng Brgy. Balinciagao Norte, Pasil, Kalinga.

Sa panayam ni RMN Cauayan Correspondent Jessie Maguiya Kay Pol. Senior Supt. Alfredo Danggani, ang Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, hinila at pinilit umanong isakay ng mga suspek ang biktima sa kanilang sasakyang Container van na may plakang AAQ7628 subalit nagawa umanong tumakbo ng biktima at nagsumbong sa mga pulis.


Agad umanong nagsagawa ng hotpursuit operation ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkakaaresto ng tatlong suspek.

Sa ngayon ay kasalukuyan ang inquest proceedings ng mga tatlong dayuhang suspek na mahaharap sa kasong Kidnapping.

Panawagan naman ni PSSUPT. Danggani sa mga mamamayan na bantayang mabuti ang mga anak at huwag din umanong magtiwala agad sa mga taong dayuhan na hindi kakilala upang maiwasan ang mga ganitong insidente.

Facebook Comments